TUGUEGARAO CITY- Hinamon ng Arangkada Riders Association at Jonathan Malaya, spokesperson ng DILG at iba pang opisyal ng ahensiya at ang Inter-Agency Task Force na subukan nilang sumakay sa motorsiklo na may barrier.
Reaksion ito ni Engr. Rod Cruz, national chairman ng grupo sa pagpupumilit DILG at IATF na ligtas ang barrier sa takbong 60 hanggang 80 kmh.
Alok ni Cruz sa mga nasabing opisyal na isasakay nila ang mga ito sa iba’t ibang terraine upang maranasan nila ang sumakay sa motorsiklo na may barrier at makita ang hindi magandang epekto nito.
Kasabay nito, binatikos niya ang mga kinauukulan dahil sa panggigipit sa mga motorcycle riders para umano makaiwas sa pagkakahawa o makahawa sa covid-19 habang hindi naman hinihigpitan ang mga patakaran sa mga public utility vehicles.