Magtatayo ng pader ang isang artist mula Los Angeles sa timog border ng United States,gamit ang keso.

Gagamit daw ang artist na si Cosimo Cavallaro ng keso upang bumagay sa slogan niyang “Make America Grate Again” na hinango sa slogan ni US President Donald Trump na “Make America Great Again”.

Sa halip na “Great” ay pinalitan ni Cavallaro ng “Grate” na karaniwang ginagamit na pangkaskas ng keso.

Gagamit si Cavallaro ng panis na cotija, na isang uri ng matigas na keso mula Mexico upang itayo ang pader sa U.S. border sa Tecate, California.