Nais ng biyuda ni Chinese businessman Anson Que na sagutin ang mga alegasyon sa kanyang anak na lalaki tungkol sa pagpatay sa ama at sa kanyang driver sa pamamagitan ng counter-affidavit at mga ebidensiya.

Matatandaan na unang isinama ng Philippine National Police ang pangalan ni Alvin Que sa kanilang reklamo sa nasabing krimen.

Sinabi ni Atty. Melita Go, legal counsel ni Elizabeth Go Siong Tan at kanyang pamilya, ang pahayag ay matapos sa sabihin ng PNP na babaguhin nila ang kanilang reklamo para alisin ang pangalan ni Alvin mula sa listahan ng mga respondent, dahil sa wala umanong sapat na ebidensiya para isama siya sa kaso.

Ipinaliwanag ni Go, lahat ng private complainants at counsels, kabilang si Alvin ay dapat na mabigyan ng oportunidad na sabihin ang kanilang panig sa pamamagitan ng pagsusumite ng kani-kanilang counter-affidavit at kanilang mga testigo batay sa Rules on Preliminary Investigation.

Ayon sa kanya, ito ay upang maiwasan ang anomang inconsistency, objectivity, transparency, at para maiwasan ang mga haka-haka na may itinatago para sa mga tao na inirekomenda ng PNP para sa regular preliminary investigation.

-- ADVERTISEMENT --

Nilinaw ni Go na hindi isinasangkot ni Tan at kanyang pamilya si Alvin sa pagdukot at pagpatay kay Que at sa kanyang driver na si Armani Pabillo.

Subalit sinabi ni Go, dahil sa isinangkot ni David Tan Liao si Alvin sa kanyang extrajudicial confession, naalarma ang pamilya at hindi sila makapaniwala sa impormasyon na si Alvin ay non-marital son ni Anson Tan at stepson ni Elizabeth Tan.