
Iginiit ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro na parehong nais ng ASEAN at China na maiwasan ang paglala ng tensyon sa South China Sea, kaya patuloy ang negosasyon para sa Code of Conduct (COC).
Ayon kay Lazaro, regular nang ginaganap buwan-buwan ang pulong ng mga negotiator, at pangungunahan ng Pilipinas ang susunod na pagpupulong sa Agosto.
Layunin ng COC na mapanatili ang kapayapaan, kalayaan sa paglalayag, at maayos na pamamahala sa South China Sea upang hindi ito maging sentro ng sigalot tulad ng Strait of Hormuz.
Iginiit din ng DFA na ang COC ay dapat nakaayon sa UNCLOS, hindi dapat makabawas sa karapatan ng ibang bansa, at dapat magtakda ng malinaw na mga tuntunin sa kilos ng mga bansa sa karagatan.
-- ADVERTISEMENT --










