Nanawagan ang mga lider ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN para sa agarang kapayapaan sa gitna ng lumalalang tensyon sa Middle East, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa press conference matapos ang 48th ASEAN Summit, sinabi ng Pangulo na hangga’t nagpapatuloy ang labanan, mahirap makabuo ng pangmatagalang solusyon kaya dapat umanong itigil na ang karahasan.

Ayon kay Marcos, nanawagan na rin ang ASEAN foreign ministers para sa pagtigil ng hostilities, muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, at paghahanap ng pangmatagalang kapayapaan sa pagitan ng mga sangkot na bansa.

Dagdag pa ng Pangulo, patuloy na hindi tiyak ang sitwasyon dahil sa kawalan ng malinaw na ceasefire at epekto nito sa transportasyon at suplay ng enerhiya sa rehiyon.