Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bagong pinuno ng National Privacy Commission (NPC) na si Atty. Johann Carlos Barcena.

Pinangunahan ng Pangulo ang panunumpa ni Barcena sa isang seremonya sa Malacañang nitong Huwebes.

Bago ang naturang posisyon, nagsilbi si Barcena bilang executive director sa Office of the Commissioner ng Governance Commission for GOCCs.

Malugod namang tinanggap ng NPC ang kanyang pagkakatalaga at sinabing umaasa itong lalo pang mapapalakas ni Barcena ang data protection sa bansa at makatutulong sa pagtataguyod ng isang ligtas at pinagkakatiwalaang digital na Pilipinas.

Pinalitan ni Barcena si Atty. John Henry Naga, na nagsilbi bilang commissioner mula 2021.

-- ADVERTISEMENT --