Umaasa si Atty. Reymund Guzman ng Cagayan na maipapanalo niya ang kanyang inihain na election protest case sa Electoral Contest Adjudication Board ng Commission on Elections Central Office.

Sinabi ni Guzman na inihain niya ang nasabing kaso noong May 26, kung saan ay docketed ito na number 32 case.

Ayon sa kanya, nakasaad sa kanyang election protest case na mabuksan at magkaroon ng recount sa lahat ng mga boto sa mga presinto sa buong Barangay Lagum, Peñablanca, Cagayan.

Ang Lagum ay may 6 na clustered precinct sa May 12 national at local elections.

Sinabi pa ni Guzman na umaasa siya na magiging mabilis ang pagresolba ng Comelec sa kanyang protesta laban sa nanalong pang-apat na board member ng ikatlong distrito ng Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Natalo si Guzman laban kay Odiboy Fausto sa apat na boto lamang.

Nakakuha ng 73,282 votes si Guzman habang 73, 286 naman kay Fausto matapos na mai-transmit ang boto mula sa Barangay Lagum.