Hindi natagpuan ng Philippine National Police si Atty Harry Roque sa dalawang address nito sa Metro Manila.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, tinangkang isilbi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at House sergeant-at-arms ang arrest order sa dalawang address nito, pero hindi ito mahanap.

Sa isang live video naman ni Roque, sinabi niya na ilegal ang kautusan ng Kamara na arestuhin at idetine siya, kaya kukuwestiyunin niya ito sa Korte Suprema.

Iginiit pa nitong hindi niya isusuko ang kaniyang kalayaan hangga’t hindi pa dumadating ang desisyon ng Korte.

Ipina-cite-in-contempt ng House Quad Committee sa ikalawang pagkakataon si Roque at hindi nila kukunsintihin ang pagbalewala sa kapangyarihan ng Kongreso o pag-iwas sa pananagutan.

-- ADVERTISEMENT --

Pinaaaresto ng Kamara si Roque dahil sa kabiguang magsumite ng mga dokumento dahil sa pagkakasangkot nito sa Lucky South 99 POGO Hub sa Porac, Pampanga.