
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang impormasyon ang legal counsel Sen. Ronald Dela Rosa na si Atty. Israelito Torreon ukol sa kung saan nagsimula ang impormasyong tuluyan nang naaresto ang kaniyang kliyenteng senador.
Ayon kay Torreon, hanggang ngayon ay nagugulat pa rin siya kung bakit biglang lumutang ang naturang balita at kung sino ang nagpasimula nito.
Paliwanag ng batikang abogado, noong nagsimulang kumalat ang naturang impormasyon, tatlong araw na ang nakakalipas, nakatanggap siya ng maraming katanungan kung totoong naaresto na nga ang kaniyang kliyente.
Gayunpaman, wala ding impormasyong inilalabas ukol dito ang PH authorities, hanggang sa tuluyan na ngang kumpirmahin ng iba’t-ibang ahensiya tulad ng Department of Interior and Local Government at Department of Justice na hindi naaresto ang senador.
Ayon kay Atty. Torreon, huli niyang nakausap si Dela Rosa noong unang bahago ng Mayo kung kailan siya huling nakita sa Senado, kasunod ng muling paglutang matapos ang ilang buwan na pagtatago.
Sa ngayon, wala umanong komunikasyon si Atty. Torreon sa kaniyang kliyente.










