Umaasa si ACT Teachers Party-list Representative France Castro na maisusumite sa lalong madaling panahon ang audit report ng Commision on Audit (COA) kaugnay sa confidential funds ni VP Sara Duterte.

Itoy matapos aprubahan ng House Comittee on Appropriations ang mosyon ni Castro na makuha ang liquidation ng COA sa P125 milyon confidential funds ng Office of the Vice President noong 2022 at P500 milyon noong 2023 at ang P150 milyon confidential funds ng Department of Education noong 2023.

Ayon kay Castro, mahalagang malaman ng taong-bayan kung papaano ginamit at ginastos ang confidential funds at ang naging audit observation ng COA.

Inaasahan namang maibibigay ito ng komisyon sa komite ang naturang mga rekords bago ang preliminary hearing kaugnay sa panukalang budget ng COA para sa 2025.