Naisampa na ang kaukulang kaso laban sa isang dating AWOL na pulis na sangkot umano sa pagbebenta ng iligal na droga na nadakip sa operasyon ng mga otoridad sa Isabela.
Nakilala ang suspek na si Thon Vincent Polangco, 26-anyos ng Barangay BacarreƱa, San Mateo na dating miyembro ng pulisya sa National Capital Region (NCR).
Dinakip si Polanco sa buy-bust operation ng PNP San Mateo kung saan narekober sa kanya ang apat na pakete ng sigarilyo na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana, dalawang pakete ng hinihinalang shabu at iba pang drug paraphernalia.
Kinomendahan naman ng Police Regional Office (PRO-2) ang PNP sa pagkakahuli sa dating pulis na unang pumasok sa PNP noong 2015.