Patay ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos pagbabarilin sa Barangay Lambaki sa Marilao, Bulacan kagabi.

Nagtamo ang mga bitkima ng mga tama ng bala ng baril sa katawan na dahilan ng kanilang agarang pagkamatay.

May nakuhang pagkakakilanlan sa 34-anyos na lalaking biktima, habang hindi pa nakikilala ang kasama niyang babae.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang mga biktima nang paputukan ng gunman halos limang metro ang layo sa inuupahan nilang bahay.

Nakasakay din sa motorsiklo ang salarin na nakasuot ng itim na long sleeves at facemask.

-- ADVERTISEMENT --

Nakuha ng SOCO sa crime scene ang nasa 38 sachet ng umano’y shabu mula sa bulsa ng shorts ng lalaking biktima.

May nakita ring baril na nakasukbit sa kanyang bewang.

Nakuha din sa motorsiklo ang dalawang cellphone at drug paraphernalia

Sa motorsiklo, nakuha ang dalawang cellphone at mga drug paraphernalia.

Aabot sa siyam na basyo ng bala ang narekober sa pinangyarihan ng pamamaril.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad para matukoy ang salarin at motibo sa pamamaril.