Sinagip ng isang babae sa Florida ang isang ahas na naipit ang ulo sa loob ng isang lata ng softdrinks.

Hindi ininda ni Rosa Fond ang kanyang sariling takot sa mga ahas, mailigtas lamang ang ahas .

Makikita sa ibinahaging video ni Fond sa facebook na takot na takot habang nilalapitan ang naipit na ahas nguit sa kabila nito unti-unti paring nahila ni Fond ang lata ng softdrinks mula sa ulo ng ahas.

Ipinaliwanag din ni Fond na ginawa niya ang pagsagip dahil sigurado siyang torture ang aabutin ng ahas kung sakaling iba ang makakakita rito.

Si Fond ay nagmamay-ari ng humans and Animals united rescue kung kaya’t ganun na lamang ang pagmamahal nito sa mga hayop.

-- ADVERTISEMENT --