Binigyan diin ni dating Senator Panfilo Lacson na hindi katanggap-tanggap ang backlogs sa national ID cards.
Sinabi ni Lacson na anim na taon na ang Philippine Identification System Act, subalit hanggang ngayon ay hindi pa lubusang naipatutupad.
Ito at matapos na tapusin ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang kontrata nito sa Allcard Inc., ang supplier ng Philippine Identification System.
Ayon kay Lacson, marami pa sa mga mamamayan ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang national ID.
Idinagdag pa ni Lacson na dapat na mapanagot at mapatawan ng penalty ang kumpanya sa pamamagitan ng kaukulang legal procedures.
-- ADVERTISEMENT --
Si Lacson ang principal author ng batas sa Senado.