Matagumpay na nadala sa kalawakan ang pinakabagong internet satellite para sa Pilipinas, ang AGILA.
Ito ay inilunsad ng Space Falcon 9 rocket kaninang tanghali ngayong Sabado.
Ang 400-kg na satellite ay binuo ng Astranis katulong ang Philippine-based na Orbits Corporaton.
Inaasahang magiging operational ang Agila sa una hanggang pangalawang quarter ng taong 2025.
Sa pakikipagpulong ni President Bongbong Marcos Jr. sa Astranis, inanunsyo rin nila ang pagbuo ng isa pang susunod na internet satellite upang lalo pang mapalawak ang connectivity sa bansa lalo na sa mga liblib na lugar.
-- ADVERTISEMENT --