Nanganganib na maantala ang search and rescue operations sa Grand Canyon National Park sa Estados Unidos dahil sa inaasahang panibagong pag-ulan at thunderstorms, habang dalawang bangkay na ang narekober matapos ang malawakang flash flood nitong weekend.

Tumama ang baha sa Bright Angel Canyon at Phantom Ranch noong Sabado, na nagdulot ng paglikas sa dose-dosenang katao at pagkasira ng mga tulay at iba pang imprastraktura. Ayon sa National Park Service, nasa 15 katao ang pinaniniwalaang nawawala.

Narekober noong Linggo ang bangkay ng isang 46-anyos na lalaki, habang isa pang bangkay ang natagpuan nitong Lunes. Patuloy ang paghahanap sa mga nawawala, ngunit maaaring maapektuhan ng inaasahang malakas na pag-ulan ang bilis ng operasyon.

Malaki rin ang pinsala sa Transcanyon Waterline, kung saan tinatayang 40% nito ang nasira o nawasak, na nagresulta sa pagpapatupad ng water restrictions sa pinakabinibisitang bahagi ng Grand Canyon.

-- ADVERTISEMENT --