Isang bagong panganak na sanggol ang nakita na wala ng buhay sa isang irrigation canal sa Barangay Katanggawan, General Santos City.

Nakita ng ilang residente na malapit sa canal ang sanggol na nakalubog sa tubig, at agad na ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Batay sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), posibleng limang oras na nakalubog sa tubig ang sanggol bago ito natagpuan.

Sinabi ng mga residente na hindi pa natatanggal ang umbilical cord o pusod ng sanggol nang makita nila ito.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon, kung saan bumalik sila sa lugar upang maghanap ng posibleng testigo, at para matukoy kung sino ang posibleng ina na walang awa na nagtapon ng kanyang sanggol sa irrigation canal.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng pulisya na posibleng maharap ang ina sa kasong infanticide.