Nailigtas ang isang bagong silang na sanggol na inabandona sa makitid na pader ng mga bahay na may kanal sa Cavite.

Pinilit ng isang lalaki na pinagkasya ang kanyang katawan sa butas sa pader upang maabot at mailigtas ang sanggol.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng iyak ng sanggol noong Lunes kaya sinilip nila ang pagitan ng dalawang pader at nakita ang sanggol na walang saplot sa kanal.

Gamit ang isang kamay, nagawa ng lalaki na maabot sa ibaba ang sanggol at saka niya ibinigay sa mga taong naghihintay sa butas.

Kaagad na binalutan ng tela ang sanggol, at dinala sa pagamutan.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi pa malinaw kung paano nakarating sa kanal sa pagitan ng dalawang pader ang sanggol.

Pero napag-alaman ng barangay na may isang menor de edad sa kanilang lugar ang nagsilang sa sanggol.

Kinumpirma ng pulisya ang insidente at nagsasagawa sila ng imbestigasyon.

Nasa maaayos na kalagayan ang mag-ina, kung saan nasa pangangalaga ng mga kaanak ang menor de edad na ina.