Iniulat ng Iranian state television na nasugatan umano si Mojtaba Khamenei, ang bagong supreme leader ng Iran.

Inilarawan sa ulat si Mojtaba na “janbaz,” o wounded by enemy, sa “Ramadan war,” na tawag ng media sa Iran sa kasalukuyang pag-atake sa bansa ng Estados Unidos at Israel.

Walang ibinigay na ibang detalye sa nasabing ulat.

Matatandaan na napatay ang ama ni Mojtaba at kanyang asawa sa Israeli airstrikes sa Tehran sa pagsisimula ng giyera noong Pebrero 28.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nagpapakita si Mojtaba buhat nang magsimula ang giyera.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na namatay din si Ayatollah Alireza Arafi ilang oras matapos siyang italaga na interim supreme leader ng Iran matapos ang pagkamatay ni Ayatollag Ali Khamenei.

Una rito, sinabi ni US President Donald Trump na hindi siya masaya sa pagkakapili kay Mojtaba bilang bagong supreme leader ng Iran.