Posibleng tuluyang maging bagyo sa loob ng linggong ito ang binabantayang low pressure area sa timog-silangan ng Mindanao na tatawaging Bagyong “Ada”.

Si “Ada” ang magiging unang bagyo na papasok sa Philippine Area of ­Responsibility ngayong 2026.

Sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, posible itong lumakas bilang tropical depression sa Huwebes, Enero 15.

Inaasahang mana­natili ito sa silangan ng Eastern Visayas hanggang Biyernes.

Pagsapit ng weekend, maaari itong manatili sa silangan ng Bicol o tumawid sa Southern Luzon, bago kumurba pa-hilagang-silangan sa Central Luzon habang nakikipagsabayan sa shear line.

-- ADVERTISEMENT --