Lumakas bilang Typhoon ang CARINA na may international name na GAEMI.
Kaninang 3:00 PM, namataan ang sentro ng TY Carina sa layong 420 km East of Tuguegarao City, Cagayan (17.8°N, 125.7°E).
Ito ay may taglay na lakas na umaabot sa 120 km/hr malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 150 km/hr. Ito ay kasalukuyang kumikilos nang mabagal pahilaga-hilagang kanluran.
Dahil dito nakataas na ang 𝗻𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗿𝗼𝗽𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗖𝘆𝗰𝗹𝗼𝗻𝗲 𝗪𝗶𝗻𝗱 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗮𝗹 𝗡𝗼. 𝟭 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗲𝘀, 𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗵𝗶𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹𝗮.
𝗜𝗻𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗽𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 habang nasa karagatan sa silangan ng Luzon sa mga susunod na oras.
Sa pagbaybay nito sa Philippine Sea sa silangan ng Northern Luzon ngayong araw, hagip na ng malawak na sirkulasyon nito ang silangang bahagi ng Luzon.
Mula ngayong araw hanggang sa Miyerkoles ay inaasahang madgudulot ng maulap na papawirin at mga pag-uulan sa Cagayan Valley at Aurora. 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝘂𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗮𝘁 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗘𝗦.
Ang habagat na pinalalakas ng bagyong CARINA ay 𝗵𝗮𝗹𝗼𝘀 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗮𝗽𝗲𝗸𝘁𝗼 sa malaking bahagi ng Luzon at sa kanlurang mga bahagi ng Visayas at Mindanao.
Mataas ang tsansa ng pagbaha at landslides dulot ng malalakas na pag-ulan.