Wala pang isang araw nang mabuo, agad itong naging isang ganap na Tropical Depression o mahinang bagyo ang dating LPA na pinangalanang Crising ng PAGASA ngayong ika-8 ng umaga.
Inaasahang lalakas pa ito at tutumbukin ang Northern Luzon-Extreme Northern Luzon area.
Kaninang ika-10 ng umaga, ay namataan ng PAGASA ang sentro ng Tropical Depression Crising sa layong 725 kilometro sa Silangan ng Virac, Catanduanes.
Nasa 45 km/h ang lakas nito at bugsong 55 km/h. Mabilis itong kumikilos pa-Kanluran sa bilis na 35 km/h.
Mataas ang tiyansang magtaas ng 𝗪𝗜𝗡𝗗 𝗦𝗜𝗚𝗡𝗔𝗟 ang PAGASA sa mga susunod na araw dahil sa posibleng paglapit ng bagyo sa may dulong bahagi ng Luzon. Kung magkataon at base na rin sa kanilang track at intensity outlook, posibleng nasa Signal No.2 o 3 ang pinakamataas na signal na itaas.
Ngunit, sa ngayon, wala pa namang lugar na nakataas sa wind signal.
Dahil sa inaasahang pagkilos nito pa-Kanluran hanggang pa-Kanluran, Hilagang-kanluran, halos mataas din ang tiyansang tumama sa kalupaan ang sentro ng bagyo sa Northern-Extreme Northern Luzon area bilang isang Severe Tropical Storm sa Biyernes ng umaga kung hindi magbabago ang track nito.
Sa pinakabagong weather advisory na inilabas ng PAGASA ngayon ding ika-11 ng umaga, mataas ang tiyansa na may mga mahihina hanggang sa malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa Bicol Region, Eastern Visayas dahil sa extension ng Bagyong Crising ngayong araw.
Samantalang, ang kalakhang rehiyon ng MIMAROPA, Western Visayas, Negros Provinces at Zamboanga Peninsula naman ay makakaranas din ng mga pag-ulan dulot ng hanging habagat na posible ring lumakas at makaapekto sa halos buong Luzon at Visayas sa mga susunod na araw.