Unti-unti nang lumalayo sa kalupaan ng Luzon ang bagyong Enteng, ngunit ang malawak na kaulapan nito at ang enhanced habagat ay patuloy na magdudulot ng mga pag-ulan at pagbugso ng hangin sa malaking bahagi ng Luzon at Western Visayas.
Ang sentro ng TROPICAL STORM ENTENG ay nakatawid na ng Northern Luzon at nasa West Philippine Sea na. Ang malawak na mga kaulapan nito ay patuloy na nakakaapekto sa Northern Luzon.
Pinakaramdam pa rin ang masungit na panahon (𝗺𝗮𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻) dulot ng bagyo sa Ilocos Region, CAR, western portion ng Mainland Cagayan, at Babuyan Islands. Maulan at mahangin pa rin sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, ngunit hindi na kasing tindi katulad ng mga nakalipas na oras.
𝗠𝗮𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 rin sa Metro Manila, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA Bicol Region, Western Visayas, dahil sa habagat.
Mas maayos na ang panahon sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao.
Inaasahang 𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 ngayong nasa karagatan na muli ito, ngunit 𝗽𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 sa mga susunod na araw.
Posibleng mas humupa na ang mga pag-uulan sa Luzon at Western Visayas 𝘀𝗮 𝗱𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝘄𝗲𝗲𝗸𝗲𝗻𝗱, habang lumalayo ang bagyo.