Patuloy na lumalayo sa Batanes ang Bagyong Julian patungong hilagang-kanlurang hangganan ng Philippine Area of Resposibility (PAR).

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 95 km ng kanluran-timog kanluran ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 175 km kada oras malapit sa gitna at bugso na abot sa 215 km kada oras.

Gumagalaw ang bagyo sa pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 15 km kada oras.

Nakataas pa rin ang Tropical Wind Cyclone No.4 sa Batanes, Signal 3 sa northern at western portions ng Babuyan Islands at marami pang lugar sa northern Luzon ang nakataas pa sa signal no. 2 at 1.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa PAGASA, nakararanas pa rin ng matitinding pag-ulan sa Batanes, Babuyan Group of Islands at Ilocos Norte kung saan nakataas ang red warning level.

Nasa orange warning naman sa Ilocos Sur, Apayao, Abra at Benguet at yellow warning sa Cagayan (Abulug, Ballesteros, Claveria, Sanchez Mira, Santa Praxedes, Pamplona), La Union at Kalinga.