Bahagyang humina ang bagyong Julian bilang isang typhoon habang binabaybay ang karagatang sakop ng Taiwan.

Huli itong namataan sa layong 280 kilometer west northwesr ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 165 km/hr malapit sa gitna at bugso ng hangin na 205 km/hr.

Ito ay kumikilos pahilaga hilagang kanluran ng mabagal at sa kasalukuyan ay nasa labas ito ng PAR subalit malawak pa rin ang sakop o radius ng bagyo kung saan hagip pa rin ng hangin nito ang northern Luzon at mararanasan pa rin ang malalakas na pag-ulan sa bahagi ng extreme northern Luzon.

Ngayong umaga inaasahang magre-recurve ang bagyo, kung saan kikilos ito north eastward patungong southwest ng Taiwan.

-- ADVERTISEMENT --

Mamayang hapon o gabi ay muli itong papasok sa PAR kung saan magla-landfall ito sa south western coast ng Taiwan mamayang gabi o bukas ng umaga.

Patuloy nitong tatahakin ang landmass ng Taiwan patungo sa karagatan at lalabas ng PAR bukas ng gabi o Biyernes ng umaga.

Sa kasalukuyan ay walang dominant weather system na nakakaapekto sa galaw ng bagyo.

Sa ngayon ay nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Batanes, Babuyan Islands, northern and western portions ng Ilocos Norte at northwestern portion ng mainland Cagayan.