Nag-landfall na ang bagyong “Kristine” sa bahagi ng Divilacan, Isabela kaninang 12:30 ng madaling araw.
Sa pinakahuling forecast track, nasa vicinity ng Tumauini, Isabela na ang bagyo at may dalang lakas ng hangin na 95km/h malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 160km/h.
Ito’y kumikilos sa patungong West northwestward sa bilis na 15 km/h.
Samantala mayroon rin panibagong low pressure area na nabuo sa silangan ng Mindanao sa layong 2,385 east of northeastern Mindanao.
Sa mga susunod na 24 oras ay mataas ang tiyansa na maging bagyo ito ngunit sa susunod na tatlong araw ay malayo parin ito sa ating kalupaan.
Samantala nakataas parin ang TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL NO.3 sa Peñablanca, Tuguegarao City, Enrile, Solana, Iguig at Tuao, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, southern portion ng Abra, Benguet, northern at central portions ng Aurora ,northern portion of Nueva Ecija, northern portion of Tarlac, northern portion of Zambales , Pangasinan, La Union, central and southern portions of Ilocos Sur.
Signal No.2 naman sa Ilocos Norte, the rest of Ilocos Sur, Apayao, the rest of Abra, nalalabing bahagi ng Cagayan including Babuyan Islands, the rest of Aurora, the rest of Nueva Ecija, Bulacan, the rest of Tarlac, Pampanga, the rest of Zambales, Bataan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, the northern and central portions of Quezon including Polillo Islands, and Lubang Island
Habang signal 1 naman sa Batanes, the rest of Quezon, the rest of Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, the northern portion of mainland Palawan including Calamian Islands and Cuyo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, and Masbate including Ticao and Burias Islands at iba pang parte ng Visayas.