Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang low-pressure area sa silangang bahagi ng Southeastern Luzon at tuluyan nang naging tropical depression nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pumasok sa PAR ang naturang sama ng panahon bandang alas-8 ng gabi at binigyan ng lokal na pangalan na “Nando.”
Patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang magiging galaw at posibleng epekto ng bagong bagyo habang nananatiling naka-alerto ang mga apektadong lugar sa posibleng pag-ulan at pagbaha.