Napanatili ng bagyong Ofel ang lakas ito habang kumikilos west northwestward sa Philippine Sea.

Tinaya na kikilos ang bagyo west northwestward patungong northwestward sa Philippine Sea bago ito mag-landfall sa eastern coast ng Cagayan o Isabela bukas ng hapon.

Patungo ang bagyo sa Luzon Strait sa Biyernes at kikilos sa north northwestward habang ito hihina at posibleng lalakas sa Sabado.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa 485 km east Northeast ng Daet, Camarines Norte at kumikilos ito west northwestward sa bilis na 20 km/h.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 120 km/h malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 150 km/h.

-- ADVERTISEMENT --

Nakataas ngayon ang tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa silangang bahagi ng mainland Cagayan (Baggao, PeƱablanca, Gattaran, Gonzaga, Lal-Lo, Santa Ana), at ang silangang bahagi Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan), habang signal no. 1 naman sa Batanes, Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, silangang bahagi ng Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Banaue, Mayoyao, Hingyon, Hungduan), Ilocos Norte, at ang ilang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran).