Patuloy na kumikilos sa Visayas area ang tinatayang sentro ng bagyong Opong.
Ito ay nasa coastal waters ng Ferrol, Romblon.
Taglay ni Opong ang lakas ng hangin na 110km/h, at pagbugso na hanggang 150 km/h.
Kumikilos ang bagyo ng pa-kanluran sa bilis na 35 km/h.
Malawak ang kaulapan ng bagyo na umaabot hanggang sa ilang bahagi ng Northern Luzon, Southern Luzon, buong Visayas, at ilang bahagi ng Mindanao.
Dahil dito, nakataas pa rin ang storm cyclone wind signal sa maraming bahagi ng bansa.
Samantala, sa kanlurang bahagi ng Visayas at Mindanao, pinag-ibayong Habagat pa rin ang inaasahan na magdudulot ng mga pag-ulan.
Matapos na muling mag-landfall si Opong sa San Fernando, Romblon at Alcantara, Romblon kaninang 8:10 a.m. at 9:20 a.m., kikilos ito pa-west northwestward at tinatayang muling mag-landfall sa southern portion ng Occidental Mindoro ngayong tanghali o mamayang hapon.
Dadaan ito sa Mindoro Straight mamayang gabi bago pumunta sa West Philippine Sea.
Inaasahan na lalabas sa Philippine Area of Responsibility si Opong bukas ng hapon.
Unang nag-landfall si Opong sa San Policarpo, Eastern kagabi, at ikalawa sa Palanas, Masbate kaninang umaga.