
Itinaas na sa Signal No. 2 ang babala ng bagyo sa walong lugar sa bansa habang kumikilos ang Tropical Storm Basyang papalapit sa eastern Mindanao.
Huling namataan ang sentro ng Tropical Storm Basyang sa layong 440 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong west southwestward sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
Surigao del Norte kabilang ang Siargao – Bucas Grande Islands
Surigao del Sur
extreme northern portion ng Davao Oriental (Boston)
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Misamis Oriental
northern portion ng Bukidnon (Impasug-Ong, Manolo Fortich, Malitbog, Sumilao, Libona, Baungon, City of Malaybalay, Cabanglasan)
Camiguin
Kumikilos ang Tropical Storm Basyang sa direksyong west southwestward, ngunit kikilos pa-kanluran sa susunod na 24 na oras bago gumalaw ng west northwestward simula Biyernes ng umaga.
Tinatayang magla-landfall ang sentro ng bagyong Basyang sa Surigao del Sur sa pagitan ng Huwebes ng gabi at Biyernes ng madaling araw.
Biyernes ng gabi o madaling araw ng Sabado ay lalabas ang Bagyong Basyang sa Sulu Sea at tatawid sa northern portion ng Palawan sa pagitan ng Sabado ng hapon at gabi.










