Nag-landfall na si bagyong Paolo sa Dinapigue, Isabela kaninang 9 a.m., ayon sa state weather bureau PAGASA.

Si Paolo na pang-19 na bagyo na pumasok sa bansa ngayong 2025, ay nagdadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan at malalakas na hangin sa Northern Luzon at ilang bahagi ng Central Luzon.

Ang trough o ang buntot ng bagyo ay nagpapaulan din sa nalalabing bahagi ng Luzon at Western Visayas.

Samantala, nasa 518 families o 1,574 individuals ang inilikas sa Isabela dahil kay Paolo.

Batay sa datos ng the Isabela Provincial Social Welfare and Development Office, karamihan sa evacuees ay mula sa coastal town ng Maconacon, kung saan 342 families o 994 individuals ang lumikas, habang sa Dinapigue naman ay may lumikas na 130 families o 421 individuals.

-- ADVERTISEMENT --