Posibleng makalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Pilandok pagsapit ng Miyerkules ng gabi o madaling araw ng Huwebes.

Kumikilos pa-northeastward ang bagyo sa bilis na 10 kilometro kada oras. Wala namang nakataas na tropical cyclone wind signal sa anumang bahagi ng bansa.

Samantala, patuloy na magdadala ng malalakas na pag-ulan ang Southwest Monsoon o Habagat sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas hanggang Sabado.

Kabilang sa mga posibleng makaranas ng 50 hanggang 100 millimeters na ulan ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro at iba pang lugar.

Pinakamalakas na ulan na aabot sa 100 hanggang 200 millimeters ang posible sa Occidental Mindoro mula Biyernes ng hapon hanggang Sabado.

-- ADVERTISEMENT --