
Dalawang beses na nag-landfall ang bagyong Tino.
Una itong nag-landfall sa Silago, Leyte kaninang hatinggabi at kaninang 5:10 a.m., tumama naman ito sa Borbon, Cebu.
Sa ngayon ay patuloy itong tumatawid sa kalupaan sa Negros Island Region at Western Visayas.
Mananatili itong typhoon category habang tinatawid ang kalupaan mula sa Visayas patunong Palawan at inaasahan na lalabas na ito ng ating kalupaan bukas ng hapon.
Tinatayang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa umaga ng November 6.
Nakataas ngayon ang Signao No. 4 sa Western at Southern portion ng Leyte, Northern at Central portion ng Cebu, kabilang ang Camotes Islands at Bantayan Islands, Northeastern portion ng Bohol, Northernmost portion ng Negros Oriental, Northern postion ng Negros, Guimaras, Central at Southern portions ng Iloilo, Southern postion ng Antique.
Huling namataan si Tino sa coastal waters ng San Fracisco, Cebu.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 150 km/hr at pagbugso na 205 km/hr.
Ngayong araw, inaasahan na buong Pilipinas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan bunsod ng iba’t ibang weather systems.
Inaasahan na ang shearline o ang salubungan ng mainit at malamig na hangin ang magdadala ng mga pag-ulan Metro Manila, Calabarzon, at mga karatig lugar.
Umiiral naman ang northeast monsoon sa sa Northern Luzon na magdadala ng paminsan-minsan na pag-ulan.
May binabantayan na isang low pressure area sa labas ng PAR.
Huli itong namataan sa East Northeastern Mindanao.
May malakas na tsansa na ito maging isang bagyo sa susunod na mga oras o ngayong araw.
Gayunman, wala pa namang magiging direktang epekto nito sa ating bansa ngayong araw, at hindi rin inaasahan na papasok ito ng PAR sa susunod na 24 oras.
Kung sakaling papasok ito ng PAR, tatawagin itong bagyong Uwa.
		
			









