Nakatakdang mag-landfall anumang oras ngayong gabi ang Bagyong Uwan (Fung-Wong) sa baybayin ng Dipaculao/baler, Aurora, taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 185 km/h malapit sa gitna at pabugso hanggang 230 km/h. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h.

Matapos ang landfall sa Dipaculao, Aurora, inaasahang tatawirin ng bagyo ang Northern Luzon ngayong gabi hanggang bukas ng umaga, at lalabas ng kalupaan sa kanlurang bahagi ng bansa pagsapit ng Lunes ng umaga.

Dahil sa interaksyon sa kabundukan at kalupaan ng Luzon, inaasahang hihina ang bagyo at bababa sa typhoon category.

Gayunpaman, magdadala pa rin ito ng malalakas na ulan at bugso ng hangin, partikular sa Central at Northern Luzon, habang patuloy itong tumatawid ng bansa.

Sa ngayon, matitinding pag ulan at mapaminsalang hangin ang nararanasan sa Central at Northern Luzon, lalo na sa mga lalawigang direktang daraanan ng mata ng bagyo.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, mahina hanggang malakas na pag-ulan at pabugso-bugsong hangin naman ang mararanasan sa ibang bahagi ng Luzon.

Potentially life-threatening weather conditions ang inaasahan sa mga dadaanan ng bagyo.

Asahan ang mapaminsalang hangin, matitinding ulan, pagbaha, pagguho ng lupa, at storm surge (daluyong) sa mga baybaying lugar