TUGUEGARAO CITY – Kulong ang isang lalaki matapos na may nakuhang dalawang sachet ng umano’y shabu sa kanyang bahay sa Camalaniugan, Cagayan.
Sinabi ni PMAJ Saturnino Soriano, hepe ng PNP Camalaniugan, bukod sa illegal drugs, may nakuha ding drug paraphernalia sa bahay ni Jerry Valera, 66.
Ayon kay Soriano, humingi sila ng search warrant sa korte para sa paghalughog sa bahay ni Valera matapos na magpositibo sa random drug test ang target na sumasailalim sa Community-based Rehabilitation Program.
Sinabi pa ng hepe na inamin ni Valera sa kanyang pamilya at mga barangay officials na gumagamit siya ng iligal na droga.
Samantala, sinabi ni Soriano na inaasahan niya na magtatapos na ngayong buwan ang 29 na tokhang responders na sumasailalim sa rehabilitasyon.