Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang Balut Island sa Davao Occidental kaninang 4:11 PM July 6, 2026.

Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang Intensity IV sa Sarangani, Davao Occidental.

Kumpirmadong aftershock ito ng malalakas na lindol noong Hunyo.

Walang inaasahang pinsala ngunit pinag-iingat ang publiko sa mga susunod pang aftershocks.