Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkakatagpo sa bangkay ng isang lalaki na tadtad ng saksak sa Sitio Rolling Hills, Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal.

Nakita ng bangkay sa bakanteng lote na may saksak sa ulo, dibdib, tagiliran, at binti.

Ayon sa mga opisyal ng mga barangay, may packing tape ang ulo at nakagapos ang mga kamay ng biktima.

Isang tricycle driver na dumaan sa lugar ang unang nakakita sa bangkay.

Tinatayang nasa 35 hanggang 40 taong gulang ang biktima, may tattoo sa binti at tagiliran.

-- ADVERTISEMENT --

Wala pang naiulat na nawawalang residente sa lugar.

Kinuha na ang bangkay para sa imbestigasyon habang tinutukoy na ng pulisya ang posibleng suspek.