TUGUEGARAO CITY- Hanggang ngayon ay wala pang kumukuha sa isang bangkay na pinaniniwalaang miembro ng NPA.

Sinabi ni LTC. Ali Alejo, commanding officer ng 86th Infantry Battalion, Philippine Army na nakita nila ang bangkay ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng enkwentro sa San Mariano, Isabela kamakalawa.

Ayon sa kanya, miembro ng NPA ang hindi pa nakikilalang bangkay dahil sa mga bakas ng dugo mula sa encounter site.

Sinabi niya na may tama ng bala ng baril sa paa ng nasabing bangkay na posible umanong iniwan ng kanyang mga kasamahan.

Matatandaan na nagkaroon ng magkasunod na encounter sa Isabela, una sa Burgos kung saan nakasagupa ng mga pulis ang mga NPA at sumunod naman sa San Mariano na nakasagupa naman sila ng Army.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi Alejo nasa 60 na NPA ang kumikilos sa Isabela.