
“Litisin ,Panagutin”
Iyan ang nakasaad sa mga hawak na papel na may mukha ni Vice President Sara Duterte sa paglulunsad ng “Bantay Impeachment Campaign” ngayong araw sa Quezon City.
Ang nasabing citizen-led campaign ay para bantayan ang nalalapit na impeachment trial ng Bise Presidente sa Hulyo.
Nabatid na nananatiling hindi tiyak ang direksiyon ng impeachment trial dahil na rin sa nagpapatuloy na leadership crisis sa Senado.
Dahil dito mahalaga anila ang masusing pagbabantay ng publiko upang matiyak na hindi maaantala ang nasabing impeachment proceedings.
Kabilang sa mga gagawin ng nasabing kampanya ang pag-o-organisa ng mga on-ground actions gaya ng mga rally, vigils, at citizen monitoring activities sa paligid at loob ng Senado habang isinasagawa ang impeachment trial.
Ayon pa sa grupo, dahil sa gagawing campaign ay inaasahan nila na tataas ang kaalaman ng publiko sa proseso ng impeachment.




