
Naglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 175 laban kina Charlie “Atong” Ang at dating Police Lieutenant Colonel Ryan Jay Orapa kaugnay ng kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention.
Kinumpirma ito ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Atty. Polo Martinez, na nagsabing walang inirekomendang piyansa para sa dalawang akusado batay sa kautusan ng korte.
Ayon sa DOJ, nakitaan ng korte ng sapat na ebidensya upang matukoy ang probable cause o sapat na batayan para isailalim sa paglilitis sina Ang at Orapa kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanila.
Dahil dito, maaari nang ipatupad ang warrant of arrest laban sa dalawang akusado alinsunod sa kautusan ng korte.










