TUGUEGARAO CITY-Isinasailalim na sa assessment ang Barangay Balanni sa Sto.Niño,Cagayan bago ito ideklarang insurgency cleared.

Sinabi ni Lt. Allen Paul Tobohan, tagapagsalita ng 17th Infantry Battalion na ito ay kasunod ng pagdedeklara bilang personan non grata ang New Peoples’s Army at mga progresibong grupo sa nasabing barangay.

Ayon kay Tobohan, sa kanilang monitoring ay unti-unti nang nawawala ang presensiya ng makakaliwang [pangkat at left leaning groups sa Balanni.

Ito aniya ay matapos na tanggapin ng mga mamamayan ng Balanni ang community support program ng pamahalaan.

Sa katunayan,sinabi ni Tobohan na may ginagawa na ring army detachment sa nasabing barangay para sa seguridad ng mga mamamayan ng lugar at maging sa mga kalapit na barangay.

-- ADVERTISEMENT --