Tuguegarao City- Iniimbestigahan na ng PNP Camalaniugan ang motibo sa naganap na pamamaril-patay sa kapitan ng Barangay Julian Olivas Sr. sa bayan ng Camalaniugan Cagayan.
Kinilala ang nasawing biktima na si Eranio Caleda, 46, may-asawa at residente sa nasabing lugar.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nagkaroon umano ng power interuption sa lugar kung saan inayos ng biktima at ng kanyang kasamahan ang wirings ng ilaw upang may magamit sa pagbabantay sa COVID-19 checkpoint.
Kaugnay nito ay dumating ang salarin lulan ng motorsiklo at walang anu-anong pinagbabaril si Caleda sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng pulisya para sa ikakahuli ng suspek na mabilis tumakas matapos ang pangyayari.