TUGUEGARAO CITY-Sinampahan na ng kasong illegal logging ang isang kagawad at dalawang iba pa matapos na masabat ang kanilang sasakyan na may mga kahoy na walang kaukulang mga dokumento sa Gonzaga,Cagayan.

Sinabi Police Major Elpidio Zingapan, hepe ng PNP Gonzaga na nasa kostodiya pa nila sina kagawad Daniel Mines ng Brngy.Santa Clara,Francis John Saliganan at Jonar Escueva habang hinihintay na ma-raffle ang kanilang kaso bago sila dadalhin sa BJMP-Aparri.

Ayon kay Zingapan,nasabat nila ang mga nasabing kahoy na lulan ng isang elf sa Brngy. Batangan na may volume na mahigit 1,500 at nagkakahalaga ng mahigit P48,000.

Sinabi pa ni Zingapan ay matagal na nilang minomonitor si Mines dahil sa kanilang mga natanggap na mga impormasyon na matagal na niyang ginagawa ang pagpupuslit ng mga iligal na kahoy.

Ayon pa kay Zingapan,maaaring sa Lunes ay kukunin na ng Department of Environment and Natural Resources ang mga kahoy at ang sasakyan.

-- ADVERTISEMENT --