
Nagpahayag ng suporta ang political party na Partido Reporma para sa presidential bid ni Vice President Sara Duterte para sa 2028 national elections habang inindorso si Senator Rodante Marcolate na kanyang potential na running mate.
Sinabi ni dating House Speaker at Partido Reporma chairman Pantaleon Alvarez na ang suporta ng partido para sa Sara-Marcoleta tandem ay hindi base sa personality politics sa halip at sa prinsipyo.
Ayon sa kanya, nagpakita ng katapangan si Duterte na direktang harapin ang mga mabibigat na isyu at may pagkakakumbaba na kinilala ang mga katotohanan sa pulitika.
Sinabi ni Alvarez na naniniwala ang kanilang partido na taglay ni Duterte ang disiplina na kailangan para maibalik ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan.
Si Marcolate naman aniya ay may paninindigan, malinaw na prinsipyo, at karanasan sa lehislatura na mula sa constitutionality accountability.
Ayon kay Alvarez, ang tandem ay nagpapakita ng liderato na magsusulong ng pagkakaisa.










