Sinaksak ng isang lalaki ang barbero sa Quezon City matapos na hindi umano nasiyahan sa kanyang gupit.

Nasugatan sa kanyang pisngi ang barbero matapos siyang sasaksakin ng galit na customer sa naging resulta ng kanyang gupit.

Hindi umano regular na customer ang lalaki sa nasabing barber shop.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek na hinabol ng mga kasamahan ng biktima subalit nabigo ang mga ito.

Nahuli din kalaunan ng mga pulis ang suspek na isang 27-anyos sa kanyang bahay, kung saan nakuha rin ang ginamit niyang patalim.

-- ADVERTISEMENT --

Sa pahayag ng suspek sa pulisya, sinabi niya na ang gusto niyang gupit ay faded sa likod, at hindi dapat na binawasan sa itaas, na ito ang ginawa ng barbero.

Kasabay nito, humingi ng dispensa ang suspek sa kanyang ginawa.

Napag-alaman ng pulisya na dati nang may kasong attempted murder ang suspek sa Valenzuela City noong 2022.

Sa kabila ng paghingi ng lalaki ng dispensa, desidido pa rin umano ang biktima na magsampa ng kaso.