Inihayag ng Chinese Coast Guard (CCG) na nagkaroon ng banggaan sa pagitan ng Philippine supply ship sa isa nilang barko sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Sinisi ng CCB ang Pilipinas sa nasabing insidente matapos na iligal na pumasok umano ang barko ng bansa sa katubigan malapit sa Ayungin shoal kaninang umaga.
Ayon sa CCG gumawa sila ng control measures laban sa barko ng Pilipinas, matapos na binalewala umano ang kanilang mga babala.
Sinabi pa ng CCG na nilabag ng barko ng Pilipinas ang International Regulations for Preventing Collisions at Sea at nilapitan umano ang barko ng China sa hindi magandang paraan na nagbunsod ng banggaan.
Ang nasabing insidente ay sa gitna ng tumataas na tensiyon sa pagitan ng China at Pilipinas, lalo na nang sabihin ng China na dapat na sabihan muna sila kung papasok ang mga barko ng bansa sa Ayungin Shoal.