Suspendido ang operasyon ng Basco Airport at Palanan Airport dahil sa masamang panahon dulot ng Typhoon Carina.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (Caap), kanselado ang lahat ng mga flight papasok at paalis ng Basco Airport at Palanan Airport.

Kaugnay nito, marami na ring mga flight ang kinansela nitong Martes, Hulyo 23 dahil sa masamang panahon dulot ng bagyo at habagat na pinalakas ng naturang sama ng panahon.

Bahagya namang lumakas ang bagyong Carina habang tinatahak ang Philippine Sea pa-hilaga.

Huli itong namataan 320 km silangan Hilagang Silangan ng Basco, Batanes.

-- ADVERTISEMENT --

Taglay nito ang hanging aabot sa 150 km/h at bugsong aabot sa 185 km/h.