Tuguegarao City- Hinihintay pa ng PNP ang pamilya ng batang namatay matapos na mabangga ng isang jeep para sa pagsasampa ng kaso laban sa driver.

Sinabi ni PCAPT Jovencio Calagui ng PNP Rizal, Cagayan, nasa kostodiya pa nila ang driver na si Maynard Culili.

Ayon kay Calagui, naglalakad ang bata sa gilid ng daan sa Brgy. Batu nang mabangga ng jeep.

Sinabi ni Calagui na nawalan ng kontrol manebela ang driver sa pakurbada at pababang bahagi ng kalsada.

-- ADVERTISEMENT --

Matapos masagi ang bata, bumangga pa ang jeep sa kahoy bago ito mahulog sa bangin.

Nagtamo din ng minor injury ang 10 na sakay nito kabilang ang driver.