Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkamatay ng tatlong gulang na bata na nalunod umano sa isang container na puno ng tubig sa Tayabas City, Quezon.

Ayon sa mga imbestigador, posibleng isailalim din sa autopsy ang mga labi ng bata upang matukoy ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa pulisya, nakitang wala nang buhay ang bata sa loob ng container na puno ng tubig ng labas ng barracks ng mga construction worker sa Barangay Ibabang Palale kahapon ng hapon.

Mag-isa umanong naglalaro ang bata at posibleng nahulog sa container na may tubig at nalunod.