Namatay ang isang bata sa Ontario, Canada dahil sa rabies matapos na malantad sa paniki sa loob ng kanyang silid.

Sinabi ni Dr. Malcolm Lock ng Haldimand-Norfolk Health Unit na may mga paniki sa silid nang sila ay gumising.

Ayon kay Lock, walang nakitang senyales na may kagat o kalmot ng paniki sa bata kaya hindi na pinaturukan ng rabies vaccine.

Ito ang unang domestically aquired case ng human rabies sa Ontario buhat noong 1967.

Ang bata, na hindi na pinangalanan at hindi rin ibinigay ang edad ay dinala sa ospital pagkatapos ng insidente subalit binawian siya ng buhay.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ng health department ng Canada, bihira ang kaso ng rabies sa kanilang bansa.

Ayon sa tanggapan, buhat noong 1924, may naitala silang 28 cases ng rabies sa anim na probinsiya, lahat ay namatay.

Idinagdag pa ng health agency na halos lahat ng human cases ng rabies sa kanilang bansa ay resulta ng pagkakalantad sa paniki, o dahil sa exposure sa rabies mula sa ibang bansa.